Ang Tunay na Sabaw ni Juan


Sampalok. Kamias. Bayabas. Sineguelas.Santol. Calamansi. Hilaw na mangga. Isa sa mga ito ay maaari maging sangkap ng sinigang.

Ang sabaw na sinigang ay may maasim na lasa. Karaniwang hinahalo dito ay baboy, baka, isda, hipon, at mayroon din manok, at ang tawag nito ay "sinampalukan manok". Ang mga gulay na sinasama sa sabaw ay okra, talong, kangkong, kamatis, sitaw. Maraming uri ang mainit na sabaw ng sinigang. Iba't ibang lugar sa Pilipinas ay may kanya-kanyang bersyon. Sa Pagsanjan, Laguna ang prutas na santol ay sangkap na ginamit sa pagluto ng sinigang. Sa Cebu, ang kanilang sabaw na tinowa ay mayroon sangkap na maasim na kamatis para sa sinigang nila.

Ang karamihan na pagkaing Pilipino ay impluwensa ng Espanol. Dahil sila ay matagal sinakop ang ating bayan. May ibang bansa dumating dito at nagpakilala ng kanilang pagkain tulad ng Tsina, Malaysia, Indonesia at iba pa. Ngunit, ang sinigang ay nag-iisang orihinal na pagkain Pilipino dahil walang nakaka-alam kung saan nanggaling o sino ang nagbigay ng kaalaman ng pagluto nito.

Nakaka-iba ang sabaw na sinigang. Dito lang sa bansang Pilipinas makakatikim at makakain na pagkain ito. Ang mga sangkap ng sinigang ay sa Pilipinas lang matatagpuan at ang tagapag-luto nito ay dapat isang Pilipino o may lahing Pilipino. Ang sinigang ay simbolo ng kulturang Pilipino dahil ang ating mga ninuno ang nagbigay ng kaalaman ng pagluto nito sa atin na hanggang sa kasalukuyan ay alam ng bawat Pilipino. Hindi natin pwede itong kalimutan ang ipinamana na karunungan para sa susunod na henerasyon.

Sa ngayon, maraming na rin pagpipilian kung ano uri na sinigang ang gustong kainin, tulad ng ulang(crayfish), salmon na isda at iba pa. Mayroon din mga sinigang powder mixes at sinigang bouillon cubes para mas malasa at mabilis maluto ang sinigang. Uso na rin ang mga palabas sa telebisyon na nagtuturo ng pagluluto ng iba't ibang pagkain. Ang palabas na "Tara, Let's Eat" sa QTV ay may isang episode pinakita ang pagluto ng sinigang. Maraming din sa mga Pilipinong recipe na libro o sa website mababasa at mahahanap ang mga naiibang uri ng sinigang.

Maipagmamalaki natin ang ating katangi-tangi pagkain sa pamamagitan ng pagsali natin sa ibang bansa ng Food Festival o pagtatanghal ng Food Expo dito sa Pilipinas para lalong makilala at magkaroon ng karagdagan na impormasyon sa pambansang sabaw ng mga Pinoy.




sinigang_na_baboy_copy1.jpg

Sources:
http://kumain.com/sinigang/ (no date) (accessed July 7, 2010)
http://lifestyle.inquirer.net/food/food/view/20100701-278455/Why_piping-hot_%91sinigang%92_is_the_national_dish (no date) (accessed July 8, 2010)
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/Philippine_Culture/Pagkaing%20Pilipino/more_on_sinigang.htm (no date) (accessed July 8, 2010)
http://www.asianewsnet.net/news.php?id=11754&sec=25 (accessed July 8, 2010) (no date)
http://www.tvlesson.com/search/AllVideos/recipe%20%20sinigang (accessed July 8, 2010) (no date)